Lumagda ang House of Representatives at Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) sa isang memorandum of agreement upang makapagbigay ng dagdag na kasanayan sa mga empleyado ng Kamara.
Si HRep Secretary General Reginald Velasco ang lumagda sa kasunduan, kasama si TESDA Director General Suharto Mangudadatu na dati ring nagsilbi bilang mambabatas.
Ani Velasco, mismong si Speaker Martin Romualdez ang nakaisip ng kolaborasyong ito kasama ang ahensya.
Maliban sa mga empleyado at congressional staff ng Kamara ay maaari ring makapasok sa programa ang kanilang mga dependent.
Nagpasalamat naman si Committee on Higher and Technical Education Chairperson at Baguio City Rep. Mark Go sa paglulunsad ng upskilling program, na isa aniyang malaking tulong para patuloy na maging produktibo ano man ang edad. | ulat ni Kathleen Forbes