Ikinalugod ni House Speaker Martin Romualdez ang pagkilala ng publiko sa Armed Forces of the Philippines (AFP) kasunod ng isinagawang survey ng OCTA Research.
Sa naturang survey, isa ang AFP sa pinaka-pinagkakatiwalaan at itinuturing na top performing government agency.
Nasa 86% ang nasiyahan sa accomplishments ng AFP na nagresulta sa net satisfaction rating na +84.
Sinabi ni Romualdez na ipinapakita nito na nakikita at kontento ang publiko sa hakbang at pagtugon ng Sandatahang Lakas sa gitna ng mga panloob at panlabas na mga banta.
“The latest findings from the OCTA Research survey, highlighting the public’s perception and satisfaction with the Armed Forces of the Philippines (AFP), present a significant moment for our nation,” sabi ni Speaker Romualdez.
“I am particularly heartened to learn that awareness of the AFP has reached a universal mark of 100% among adult Filipinos, increasing from 89% in October 2023. This universal awareness indicates the AFP’s prominent role and presence in our national consciousness,” dagdag niya.
Ang mataas na trust at satisfaction rating ay repleksyon din aniya ng dedikasyon, propesyonalismo at paninindigan ng ating amArmed Forces para sa kaligtasan at seguridad ng bansa.
Binibigyang-diin din aniya nito ang mahalagang papel ng ating Sandatahang Lakas sa pambansang seguridad at kapayapaan at ang malalim na respetong nakuha nila mula sa sambayanang Pilipino.
“As Speaker, I express my sincerest gratitude to the men and women of the AFP for their unwavering service and sacrifice. Maraming salamat po sa lahat ng inyong serbisyo at malasakit sa ating mga mamamayan. Hindi po matatawaran ang inyong sakripisyo matiyak lamang na ligtas ang ating bayan mula sa anumang banta o panganib,” giit ni Romualdez.
Muli ring tiniyak ng House leader ang pangako ng Kamara na susuportahan ang AFP sa misyon nito na depensahan ang bansa sa pamamagitan ng mga panukalang batas na magpapalakas sa kanilang hanay para magampanan ang kanilang tungkulin. | ulat ni Kathleen Jean Forbes