Pinuri ni House Ways and Means Committee Chair Joey Salceda ang utility company na MERALCO dahil sa mga hakbang nito para padaliin ang proseso para makakuha ng diskwento ang senior citizen at persons with disabilities (PWDs) sa kanilang mga bill sa kuryente.
“I laud MERALCO ’s effort to make it easier to register as a senior citizen or person with disability and avail of discounts. The application process is now available online, through a special MERALCO website, https://meralco.my.site.com/SCDA/s/…I requested MERALCO to make this available, in consonance with the efforts of the Committee on Ways and Means to improve the privileges of vulnerable sectors,” sabi ni Salceda.
Sa pamamagitan ng dedicated na website ng MERALCO maaaring magparehsitro ang mga senior at PWD kung saan nakapangalan ang electricity service upang mabawasan sa kanilang mga bill ang discount privilege.
Kailangan naman na kada taon ay i-renew ang application upang magtuloy-tuloy ang Senior Citizen Household Discount.
Gayunman, hinihintay pa nila ang komento mula sa mga stakeholders.
Isa naman sa dagdag na hiling ni Salceda ay alisin na ang iba pang documentary requirements gaya ng Barangay clearance at sa halip ay dapat maging sapat na ang ID.
Umaasa din ang mambabatas na ang iba pang korporasyon ay susunod sa ginawa ng MERALCO para maibigay ang nararapat na benepisyo at pribilehiyo sa mga senior at PWD.| ulat ni Kathleen Forbes