Isang public forum ang inorganisa ngayon ng Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation, and Unity (OPAPRU) bilang bahagi ng komemorasyon sa ika-10 anibersaryo ng paglagda ng Comprehensive Agreement on the Bangsamoro (CAB).
Ang CAB ay itinuturing na landmark peace agreement sa pagitan ng pamahalaan at ng Moro Islamic Liberation Front (MILF).
Ito rin ang isa sa naging tulay para maisabuhay ang nilalaman ng Bangsamoro Basic Law.
Ngayong araw, pinangunahan nina OPAPRU Presidential Asst. for Bangsamoro Transformation David Diciano at Bangsamoro Govt Chief Minister Ahod Ebrahim ang pagbubukas ng public forum.
Sa kanyang mensahe, ipinunto ni OPAPRU Sec. Galvez ang pangangailangan sa patuloy na kolaborasyon at kongkretong aksyon para sa pag-usad ng peace at development sa Bangsamoro.
Tampok naman sa naturang forum ang iba’t ibang tagumpay ng kasunduan sa nakalipas na isang dekada.
Kabilang rito ang pagpapanatili ng peace and order sa Bangsamoro, inclusive growth and development, at usapin sa democratic resilience. | ulat ni Merry Ann Bastasa