Pinangunahan ni Philippine Navy Vice Commander Rear Admiral Caesar Bernard Valencia ang delegasyon ng Philippine Navy na lumahok sa ika-7 Navy-to-Navy Talk kasama ang Royal Australian Navy (RAN) sa Canberra, Australia.
Nagsilbing co-chairman si RAdm. Valencia kasama ang kanyang RAN counterpart na si Rear Admiral Jonathan Earley, sa diyalogo kung saan tinalakay ang strategy at policy issues na pakikinabangan ng dalawang Navy.
Dito’y pinag-usapan ang capacity-building activities at sabayang pagsasanay ng dalawang pwersa, at ang pagtataguyod ng United Nations Convention on Law of the Seas (UNCLOS), rules-based international order at sea, at 2016 Arbitration Ruling.
Ayon kay Commander John Percie Alcos, Naval Public Affairs Office Director, ang diyalogo ay naging pagkakataon para sa PN na gawan ng konkretong aksyon ang mga direktiba ng Pangulo at Commander-in-Chief Ferdinand R. Marcos Jr. kasunod ng kanyang pagbisita sa Australia at pag-angat ng relasyon ng Pilipinas at Australia sa strategic partners. | ulat ni Leo Sarne
📸: LCDR DONNA SILL RAN and LTJG JAYVIE TANGONAN PN