Naglabas na ang ilang kumpanya ng langis ng presyo sa naakambang dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo, bukas.
Simula bukas ng alas-6 ng umaga ipapatupd ng kumpanyang Pilipinas Shell, Sea Oil, Petro Gazz, Clean Fuel, Petron at Phoenix Petroleum ang dagdag singil na P0.50 sa kada litro ng gasolina.
Habang tapyas singil naman sa diesel kung saan nasa P0.40 sa kada litro, at P0.35 naman sa kada litro ng kerosene ang itatapyas, simula bukas.
Ang naturang dagdag bawas singil sa produktong petrolyo ay dahil sa freight at premium adjustments sa World Market. | ulat ni Aj Ignacio