Pinapayuhan ang publiko na isagawa na ng kanilang banking transaction hanggang bukas dahil sarado na ang mga ito simula sa Huwebes (holy Thursday), March 28 hanggang March 31, Easter Sunday.
Sa inilabas na Holy Week Schedule ng mga pangunahing bangko sa bansa, karamihan sa mga ito ay sarado habang ang iba ay magsasagawa ng adjusted schedule bilang paggunita sa Mahal na Araw.
Alinusunod naman sa paalala ng bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), mananatiling bukas ang mobile at online platforms ng mga bangko maging ang kanilang mga custumer service department.
Itoy upang masiguro na na tuloy tuloy pa rin ang access ng publiko sa kanilang mobile banking app.
Samantala, sa inilabas na advisory ng Landbank of the Philippines (LBP), ang kanilang mobile app, online retail banking platform na iAccess at iba pang digital platforms ay available sa “four-day long weekend”.
Sapat din anila ang mga pera sa kanilang atm machines sa buong bansa para sa mahabang bakasyon.| ulat ni Melany V. Reyes