Dalawang siyudad na ngayon ang naitatala ng Department of Health na mayroong outbreak o paglaganap ng sakit na Pertussis.
Sa report na natanggap ng DOH, huling naitala ang Lungsod ng Iloilo sa nagdeklara ng outbreak tungkol sa nasabing sakit.
Pito na ang naitatala ng Iloilo City Health Office at ng kanilang City Disaster Risk Reduction and Management Office.
Noong nakaraang linggo lamang, idineklara ng Quezon City ang outbreak matapos umabot sa mahigit 20 ang may sakit at may naitala pang namatay.
Sa hanay ng DOH, bumili na ito ng mahigit isang milyong dosage ng bakuna upang agad maipamahagi sa mga lugar na may mataas na kaso ng Pertussis. | ulat ni Mike Rogas