Tuloy na ang pagsisiyasat ng Kamara sa nangyaring landslide sa Maco, Davao de Oro kung saan umabot sa halos isang daan ang nasawi.
Kinumpirma ito ni ACT-CIS Party-list Rep. Erwin Tulfo, na isa sa pangunahing may akda ng resolusyon.
Aniya, pangungunahan ng Committee on Disaster Resilience na pinamumunuan ni Dinagat Islands Rep. Alan 1 Ecleo ang pag dinig sa susunod na linggo.
“Nagkaroon lang ho tayo ng Committee of the Whole na mga hearing ho ngayon kaya hindi maumpisahan, pero next week nangako po si Cong. Ecleo na uumpisahan na ho namin yung imbestigasyon kasi po baka nakakalimutan na ho,” sabi ni Tulfo
Hindi aniya maaari balewalain lang ang 98 buhay na nasawi at ang walong iba pa na hanggang ngayon ay hindi pa nakikita.
“Hindi ho natin pwedeng balewalain. Okay lang ho kung walang namatay maski gumuho pa yung mundo kung wala naman hong namatay okay lang. Pero 98 ho eh. Wala naman hong batang namatay pero may mga babae hong namatay,” he said.
Binigyang diin ng mambabatas na 2008 pa lang ay nag babala na ang Mines and Geosciences Bureau (MGB), laban sa pagtatayo ng kabahayan doon ngunit mayroon pa rin nagtayo ng mga bahay.
Sabi pa ng mambabatas na marami pang lugar doon ang itinuturing na no build zone kaya’t nakiki usap ito sa local leaders na huwag nang ilagay pa sa alanganin ang buhay ng mga residente.
“Sinabi na nga ho ng MGB wag nyong tayuan ito, 2008 pa. Tayo ho ng tayo ng bahay. Ngayon wala na hong bahay dahil gumuho na lahat. Mas marami pa pong lugar doon na may ‘No Build Zone’ pero may mga istraktura. Kaya panawagan ho natin sa LGU, parang awa mo na mayor, gobernor, sir paki lang, dahil ho merong structure, huwag na ho nating dagdagan 98 plus walong nawawala, huwag na ho nating dagdagan,” apela ni Tulfo. | ulat ni Kathleen Forbes