Ganap nang maipatutupad ang Republic Act 11962 o ang Trabaho Para sa Bayan Act.
Ito’y dahil sa naplantsa na ng binuong Technical Working Committee para sa nasabing batas ang Implementing Rules and Regulations (IRR) nito.
Ayon sa National Economic and Development Authority (NEDA), layon nito na isulong ang pagpapalakas sa work force ng bansa.
Gayundin ang pagsusulong ng competitiveness at productivity ng mga manggagawa na makatutulong para matugunan naman ang mga hamon sa sektor ng paggawa gaya ng unemployment at underemployment.
Isasagawa ang signing ng naturang IRR sa Mandaluyong City sa Martes ng susunod na linggo sa pangunguna nila NEDA Secretary Arsenio Balisacan gayundin ni Labor Secretary Bienvenido Laguesma. | ulat ni Jaymark Dagala