Inilunsad ng Department of Finance (DOF) ang plano nitong Growth-Enhancing Actions and Resolutions (GEAR) plan para sa layunin nitong mapabuti ang dami at kalidad ng mga trabaho sa bansa matapos ang inilabas ng Philippine Statistics Authority (PSA) na pinakahuling Labor Force Survey para sa Enero 2024.
Ayon sa DOF, ang initiyatibang ito ay nakatuon sa mabiliisang pagpapataupad ng mga pro-negosyo na mga reporma, pagpapabuti ng regulasyon, cost reduction, kabilang na ang mga pagbabago sa Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises (CREATE) Act.
Binigyang diin din ni DOF Secretary Ralph Recto ang kahalagahan ng ease of doing business para sa paglago ng mga negosyo na magreresulta sa paglikha ng mas maraming quality jobs.
Kasabay ng implementasyon ng Build Better More program ng administrasyong Marcos kung saan maglalaan ito ng 5% to 6% ng GDP ng bansa na makakabuo rin ng mas maraming trabaho at investments.
Gagamitin din ng pamahalaan ang private sector capital at expertise nito sa pamamagitan ng kapapasa lamang na Public-Private Partnership (PPP) code para sa pagbawas ng mga infrastructure backlog, kabilang ang paglikha ng mga trabaho upang mapataas ang domestic consumption at iba pa.
Umaasa rin ang Finance chief na mami-meet ng pamahalaan ang revenue collections targets nito, mapalago ang tax administration efficiency para mapondohan ang mga proyekto ng pamahalaan tulad ng edukasyon, upskilling, health care, at human capital development, na kinilala ng Kalihim na mahalaga upang ihanda ang mga Pilipino para sa pinakamainam na job opportunities. | ulat ni EJ Lazaro