Umabot na sa 1.2 milyong international tourists ang naitala ng Deparment of Tourism simula Enero hanggang Pebrero ng 2024.
Ayon kay Tourism Sec. Christina Frasco, patunay ang nasabing bilang ng kinabukasan ng Philippine tourism.
Pinasalamatan din ng Kalihim ang Philippine sellers na patuloy na nagsusulong ng turismo ng bansa.
Kumpiyansa din si Frasco na magtutuloy-tuloy ang magandang ipinipakita ng turismo ng bansa sa ilalim ng Marcos administration sa mga susunod na mga taon.
Base sa datos ng DOT na sa 1.2 milyon na turista, 94% ang mga banyaga habang ang natitira ay pawang overseas Filipinos.
Nitong 2023, pumalo sa 5.45 milyon ang turistang naitala habang ngayong taon ay target ng ahensya na magkaroon ng 7.7 million arrivals.
Sa huli, nagpaalala si Frasco sa publiko na mahalin ang Pilipinas. | ulat ni Lorenz Tanjoco