Pormal nang lalagdaan ngayong araw ang Implementing Rules and Regulations (IRR) ng Republic Act 11966 o ang Public-Private Partnership Code of the Philippines.
Isasagawa ang seremoniya sa punong tanggapan ng National Economic and Development Authority (NEDA) sa Mandaluyong City ganap na alas-11 ng umaga.
Mangunguna sa naturang ceremonial signing sina NEDA Secretary Arsenio Balisacan gayundin si PPP Center Executive Director Ma. Cynthia Hernandez kasama ang iba pang mga opisyal.
Sasaksihan naman ito nila Senate Deputy Majority Leader, Senate Committee on Local Government at Senate Committee on Urban Planning, Housing and Resettlement Chair JV Ejercito at House Ways and Means Committee Chairman at Albay Representative Joey Salceda.
Gayundin si House Committee on Public Works and Highways at Surigao 1st District Representative Romeo Momo, at iba’t ibang stakeholders.
Nilagdaan noong December 5 ng nakalipas na taon, layon ng PPP Code na mapalakas ang investment ecosystem ng bansa na lumikha ng mas matatag na mga polisiya na siyang makapagbibigay ng mas maraming oportunidad para sa mga Pilipino. | ulat ni Jaymark Dagala