Kinansela ng barkong 2GO ang kanilang biyahe matapos madiskubre na mayroon itong ‘mechanical problem’.
Sa abiso ng kumpanya, hindi na matutuloy ang biyaheng Manila patungong Cebu ng MV 2GO Masigla na sana ay naka-schedule sa Marso 28 ng alas-8 ng umaga.
Mabilis naman na inilipat ng kumpanya sa barkong MV St. Therese of Child Jesus ang mga naapektuhan na mga pasahero na nakatakdang umalis ng Maynila sa Marso 29 ng alas-9 ng umaga.
Samantala, ang mga pasahero na nasa Cebu patungong Maynila ay agad inilipat sa MV 2GO Maligaya na aalis sa Marso 29 ng alas-11:59 ng gabi.
Pinapayuhan ng Philippine Port Authority ang mga apektadong pasahero na magtungo sa pier, tatlong oras bago ang nakatakdang pag-alis ng barko.
Sa mga pasahero na hindi na itutuloy ng kanilang biyahe ay pinayuhan na i-refund ang mga biniling ticket. | ulat ni Michael Rogas