Sa patuloy na pagpasok ng pamumuhunan sa ating bansa mula sa Germany, isang tanyag na aircraft maintenance, repair, and overhaul company mula sa naturang bansa ang nakatakdang magtayo muli ng ikalawang repair hangar sa Clark Airport, na nakatakdang iproseso ng Board of Investments ng Department of Trade and Industry (DTI).
Ayon kay Trade Secretary Alfredo Pascual, nagkakahalaga ang naturang investment ng nasa P8 bilyong, na mula sa kumpanyang Lufthansa Technik na magkakaroon ng maayos na aircraft repair stations sa bansa.
Dagdag pa ni Pascual, na bukod sa Clark ay inaasahan ding mag-invest ang naturang German company ng isa pang aircraft repair facility sa Bulacan airport kapag natapos na ang naturang Paliparan.
Ang Lufthansa Technik company ay isa sa mga aircraft repair company sa Pilipinas na kliyente ang British Airways, Korean Air, Lufthansa, Emirates, and Qantas na nagmementina ng mga eroplano nito sa Pilipinas. Muling siniguro ng DTI na magbubunga ito ng maraming trabaho sa bansa. | ulat ni Aj Ignacio