Hindi malayo na gamitin ang presensya ng surot at daga sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) para siraan ang pamahalaan.
Ito ang pangamba ni AKO Bicol Party-list Representative Jil Bongalon kung hindi aniya agad aaksyunan ng pamunuan ng NAIA ang problema.
Ayon sa mambabatas, kung mayroon nang surot at daga ngayon ay hindi na dapat hintayin pa ng mga opisyal ng NAIA na magbalik ang tanim bala.
Para naman kay Deputy Majority Leader Erwin Tulfo dapat ay magpatawag na ng pest control ang pamunuan ng NAIA.
Punto niya, maraming janitor sa paliparan pero ang kailangan dito ngayon ay pest control.
Sabi pa nito, na kailangan ang palaging maintenance sa paliparan dahil nakakahiya sa mga biyahero, lalo na sa mga turista kung magpapatuloy na ganito ang sitwasyon. | ulat ni Kathleen Forbes