Sa botong 19 na senador ang pabor, walang tumutol at walang nag abstain, pasado na sa ikatlo at huling pagbasa ng ang panukalang ilipat ang pangangasiwa ng mga provincial jails sa Bureau of Jail Management and Penelogy (BJMP) mula pamamahala ng mga lokal na pamahalaan.
Layon ng Senate Bill 2352 na matugunan ang congestion sa mga kulungan sa bansa.
Sa ilalim ng naturang panukala, bibigyan ang mga provincial governments ng tatlong taon para i-turnover sa BJMP ang kontrol sa mga provincial jails.
Sa kasalukuyan kasi, tanging ang mga city, district at minucipal jails lang ang hawak ng BJMP.
Sa loob ng tatlong taong transition period, ang mga provincial government ay magbabayad pa rin para sa pagkain, at water expenses ng kanilang mga kulungan at mga detainees.
Habang ang pangangasiwa, kontrol at pamamahala ng mga provincial at sub provincial jails ay ililipat na sa BJMP.
Una nang sinabi ng sponsor ng panukala na si Senate Committee on Public Order chairman Senador Ronald dela Rosa, ang panukalang ito ay layong itaguyod ang uniformity sa pangangasiwa ng mga kulungan para mapanatiling ligtas ang mga persons deprived of liberty (PDL) at mabigyan sila ng pagkakataon na makapag bagong buhay.
Layon rin nitong alisin na sa provincial government ang pasanin ng pangangasiwa ng mga kulungan para mas mapagtuunan na nila ng pansin ang pagbibigay ng basic social services sa kanilang mga nasasakupan.| ulat ni Nimfa Asuncion