Kakayahan ng Pilipinas sa pagtugon sa ano mang umuusbong na banta sa soberanya nito, dapat na lumakas pa – Pangulong Marcos Jr.

Facebook
Twitter
LinkedIn

Binigyang diin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pangangailangan na palakasin pa ang kapabilidad ng bansa sa pagtugon sa mga umuusbong na banta sa stability at soberanya ng Pilipinas.

“Let the time-honored creed of honor, patriotism, and duty be your guidepost—in marching towards total victory—as we create a Bagong Pilipinas that prioritizes peace, progress, and stability.” —Pangulong Marcos Jr.

Sa mensahe ng Pangulo para sa ika-127 Anibersaryo ng Philippine Army na binasa ni Defense Secretary Gibo Teodoro, sinabi ng Pangulo na habang patungo ang bansa sa isang Bagong Pilipinas kailangang mai-transform ang tropa ng pamahalaan na maging isang multi-mission ready, cross-domain, at may epektibong kakayahan na tugunan ang mga banta sa bansa.

Ito aniya ang dahilan kung bakit ang pamahalaan, buo ang suporta sa pagpapataas ng moral ng Philippine Army maging sa pagiging episyente at mabilis na pagtugon ng mga ito.

Ginagawa aniya ito ng gobyerno sa pamamagitan ng patuloy na capacity-building initiatives, mga pagsasanay, edukasyon, at iba pang aktibidad.

“I hope that you will also adopt the lessons you have learned, the best practices you have gained from joint operations, and interactions with other major services of the AFP and our foreign defense counterparts.” —Pangulong Marcos.

Kaugnay nito, nanawagan rin ang Pangulo sa Philippine Army na palakasin ang kanilang kakayahan sa linya ng cyber security para sa Pilipinas.

“Our ability to counter cyber threats is also of great importance. Given this emerging threat, I urge the Philippine Army to bolster its cybersecurity capabilities to keep up with the rapid technological advancements and help maintain the country’s security and stability.” —Pangulong Marcos. | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us