Kaligtasan ng mga mananampalataya ngayong Semana Santa, tiniyak ng DILG

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sinisiguro ng Department of the Interior and Local Government (DILG) at Philippine National Police (PNP) na mapangalagaan ang kaligtasan ng mga mananampalataya ngayong panahon ng Kuwaresma. 

Sa kanyang mensahe para sa Semana Santa 2024, sinabi ni DILG Secretary Benhur Abalos na halos 35,000 pulis ang ikinalat sa matataong lugar gaya ng mga simbahan, pilgrim site, pasyalan, paliparan, bus terminal at pier simula ngayon araw, Marso 24 gayundin sa Marso 28 hanggang Marso 31.

Bukod pa rito ang 427 police service dogs para maging katuwang sa pagbabantay at pag-iinspeksyon ng mga bagahe.

Aktibo ring isasagawa ang checkpoint operations sa mga strategic areas bukod pa sa mga red-teaming operation kasama ang Regional at Provincial Disaster Risk Reduction and Management Councils.

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us