Tiniyak mismo ni Speaker Martin Romualdez ang patuloy na suporta ng Kamara sa inisyatiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na palakasin ang kapabilidad ng Philippine Coast Guard (PCG), at modernisasyon ng Armed Forces of the Philippine (AFP) sa gitna ng patuloy na tensyon sa West Philippine Sea.
Ang pahayag ni Romualdez ay kasunod ng panibagong insidente ng banggaan sa pagitan ng PCG vessel na nag-e-escort sa resupply mission sa BRP Sierra Madre at isang Chinese Coast Guard Ship.
“We stand united in support of President Marcos, Jr.’s firm resolve to enhance our defense capabilities to uphold our country’s sovereignty and protect our national interest in the West Philippine Sea. The House of Representatives is solidly behind his decisive leadership and unwavering commitment to safeguarding our sovereignty and territorial integrity,” sabi ni Romualdez.
Sa naging talumpati Ng Pangulo sa Lowly Institute sa Melbourne Australia, sinabi ng presidente na patuloy na pinapalakas ng pamahalaan ang ating coast guard at AFP bilang patotoo sa kaniyang pahayag, na hindi isusuko ng Pilipinas ang kahit na katiting nitong teritoryo at maritime jurisdiction.
Sabi ni Romualdez, makakaasa ang ehekutibo sa patuloy na kooperasyon ng lehislatura para masiguro na maipatupad sa tamang panahon ang pagpapaigting ang modernisasyon ng coast guard at kasundaluhan.
Aminado ang House leader, na nakababahala ang mga nangyayari dahil sa territorial dispute sa pagitan ng Pilipinas at China.
Paalala pa nito, na ang katatagan at kasaganaan sa rehiyon ay nakabatay sa diplomasiya at pagtalima sa rules-based order
Kaya naman, gaya ng sinabi ng Pangulong Marcos na igagalang ng Pilipinas ang 2002 ASEAN-China Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea, at pagbuo ng isang epektibong Code of Conduct (COC), at patuloy na gagamitin ng Pilipinas ang diplomatikong pamamaraan para tugunan ang isyu at magkaroon pa rin mabuting relasyon sa China.
“The Philippines remains committed to pursuing diplomatic channels to address this issue and seeks to foster a relationship with China based on mutual respect and cooperation. We believe that by working together in a spirit of goodwill, we can achieve a peaceful and equitable resolution to our territorial dispute,” saad pa ng House leader. | ulat ni Kathleen Forbes