Nagpaabot ng pakikiramay si House Speaker Martin Romualdez sa pagpanaw ng kasamahan sa Kamara at kaibigan na si Palawan 1st Distrct Rep. Edgardo ‘Egay’ Salvame.
Ayon kay Romualdez, hindi lang ito personal na kawalan para sa kaniya ngunit higit lalo sa komonidad.
Aniya isang devoted na public servant ang namayapang Kongresista na itinulak ang ikabubuti ng Palawan.
Kaya naman hinimok nito ang lahat na bigyang-pugay din ang buhay ni Salvame at ipagpatuloy ang kaniyang mga nasimulang hakbang at kontribusyon sa lipunan lalo na sa serbisyo publiko sa kaniyang lalawigan.
“His departure creates a significant gap in Congress, but even more so, it leaves a profound sense of loss within us. Egay was not just a colleague; he was a trusted companion and a source of inspiration, leaving behind a legacy of service that will be celebrated and remembered for years to come,” sabi ni Romualdez.
Ngayong 19th Congress ay nagsisilbi bilang vice chairperson ng House Committee on Energy at Committee on Land Use si Salvame.
Madaling araw ngayong March 13 pumanaw ang mambabatas.
Hindi naman nabanggit ang sanhi ng kaniyang pagkamatay.
Hiling naman ng kaniyang pamilya ang dasal at panalangin para sa payapang pamamahinga ng kongresista.| ulat ni Kathleen Forbes