Nagpasaklolo na sa Supreme Court ang mga abogado ni Kingdom of Jesus Christ Leader Pastor Apollo Quiboloy para ipadeklara na iligal ang arrest warrant na inisyu ng Senado laban dito.
Sa kanilang petisyon sa Korte Suprema, iginiit ni Atty. Elvis Balayan, isa sa mga legal counsel ni Quiboloy, na labag ang mga karapatan nito dahil agad umanong hinusgahan ni Senadir Risa Hontiveros ang kanilang kliyente.
Bukod dito, nilabag din daw ng senador ang “separation of church and state” dahil sa ginagawang imbestigasyon ng Senado.
Dahil dito, hiningi nila sa SC na rebyuhin ang unfair treatment laban sa Pastor kaugnay sa isyu ng rape at pang-aabuso ng mga sinasabing biktima.
Ipinaalala din ng abogado ni Quiboloy ang kawalang respeto ni Senador Hontiveros sa kanyang kliyente dahil ginamit umano ito sa kanila ng maruming pamumulitika. | ulat ni Mike Rogas