Gamit ang mga makabago at iba’t ibang uri ng armas ipinamalas ng Philippine Army ang kanilang kakayahan at kapabilidad na ipagtanggol ang bansa sa anumang banta sa seguridad sa teritoryo.
Sa ginanap na combined arms training exercise o katihan’s Battle Period 2 sa Col. Ernesto Rabina Air Base sa Capas Tarlac.
Nagsagawa ng “live fire exercise” ang Philippine Army sa senaryong combat operation gamit ang autonomous truck mounted howitzer system o ATMOS 155mm self-propelled guns, 120mm mounted mortar system at armored personnel carriers.
Layunin ng combined arms training exercise na matugunan ang anila ay fast-changing security environment.| ulat ni Rey Ferrer