Kadiwa ng Pangulo isasagawa sa Makati City Hall bukas

Maglulunsad ng Kadiwa ng Pangulo ang lungsod ng Makati bukas, March 18, araw ng Lunes para maghatid ng sariwa at abot kayang bilihin sa mga residente nito sa pakikipagtulungan ng Economic Enterprise Management Office sa Department of Trade and Industry (DTI) at Department of Agriculture (DA). Magmula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon, isasagawa… Continue reading Kadiwa ng Pangulo isasagawa sa Makati City Hall bukas

Pagiging insurgency-free ng Surigao del Norte, pinuri ni DILG Sec. Abalos

Pinapurihan ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos Jr. ang provincial government ng Surigao del Norte, kasama ang militar at pulisya. Dahil ito sa pagsisikap na mabuwag ang natitirang pwersa ng New People’s Army (NPA) sa lalawigan at idineklara itong insurgency-free. Saksi si Abalos nang ideklara ang Surigao del Norte… Continue reading Pagiging insurgency-free ng Surigao del Norte, pinuri ni DILG Sec. Abalos

Babae, nahulog sa Quiapo Underpass mula sa tulay Recto

Nagtamo ng mga sugat sa ulo at katawan ang isang babae matapos itong mahulog sa Quiapo Underpass mula sa tulay Recto kaninang umaga. Ayon sa mga paunang balita na nakalap ng Manila DRRM Office mula sa mga tambay at kapulisan ay nakaupo umano sa barandilya ng tulay ang biktima nang bigla na lang mawalan ng… Continue reading Babae, nahulog sa Quiapo Underpass mula sa tulay Recto

MMDA, pinroproseso na ang ‘provisional deputization’ ng traffic enforcers sa NCR para sa panghuhuli ng traffic violators

Sinimulan na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang pag-proseso sa kahilingan ng local government units (LGU) sa National Capital Region (NCR) para sa ‘provisional deputization’ ng mga traffic enforcers. Ayon kay MMDA Chairman Ron Artes, nilalayon nitong maipagpatuloy ang pag-iisyu ng traffic violation ticket sa mga motoristang nahuhuling  lumalabag sa batas trapiko.       Ang nasabing… Continue reading MMDA, pinroproseso na ang ‘provisional deputization’ ng traffic enforcers sa NCR para sa panghuhuli ng traffic violators

BI at CFO, inilunsad ang joint system para sa interoperability at data sharing

Inihayag ng Bureau of Immigration (BI) at ng Commission on Filipinos Overseas (CFO) ang paglulunsad ng kanilang joint system para sa mga port of entry and exit dito sa bansa. Layunin ng nasabing sistema na ito na mapabilis ang mga proseso at mas maging episyente ang pag-verify ng mga CFO certificate ng mga immigration officer… Continue reading BI at CFO, inilunsad ang joint system para sa interoperability at data sharing

DILG, muling pinaalalahanan ang publiko na mag-ingat sa sunog

Pinaalalahanan ni DILG Secretary Benhur Abalos Jr. ang publiko na isaisip ang mga safety precautions upang maiwasan ang sunog sa kanilang lugar. Kabilang sa mga dapat ingatan ng publiko ang mga electrical appliances at tanggalin sa saksakan kung hindi naman ginagamit partikular ang mga lumang electric fan. Dapat rin aniyang iwasan ang iresponsableng pagtatapon ng… Continue reading DILG, muling pinaalalahanan ang publiko na mag-ingat sa sunog

Mga Deep wells sa NCR at Rizal, inihanda na bilang source ng suplay ng tubig habang nararanasan pa ang El Niño – Task Force El Niño

Tiniyak ng Task Force El Niño na hindi magkukulang ng suplay ng tubig sa buong Mega Manila ngayong umiiral pa ang strong and mature El Niño sa bansa. Sinabi ni Task Force El Niño Spokesperson at Presidential Communications Office Assistant Secretary Joey Villarama, mayroon nang 137 mga deep wells na iba’t ibang lugar sa NCR… Continue reading Mga Deep wells sa NCR at Rizal, inihanda na bilang source ng suplay ng tubig habang nararanasan pa ang El Niño – Task Force El Niño

Routine immunization para sa mga sanggol, isasagawa ng Taguig LGU sa mga EMBO Barangay

Magpapatuloy ang serbisyo ng local government ng Taguig City sa mga residente ng EMBO barangay partikular sa mga sanggol na bata upang mabigyan ang mga ito ng proteksyon laban sa iba’t ibang mga sakit. Nagsimula noong ika-13 ng Marso, magsasagawa ang Taguig City Health Office kasama ang mga Barangay Health Workers ng weekly routine immunization… Continue reading Routine immunization para sa mga sanggol, isasagawa ng Taguig LGU sa mga EMBO Barangay

Pilipinas, malaki ang pakinabang sa naging pagbisita ni PBBM sa Germany-Czech Republic

Pinapurihan ni Speaker Martin Romualdez si President Ferdinand R. Marcos, Jr. sa kaniyang pagbabalik bansa matapos makasungkit ng napakaraming benepisyo para sa Pilipinas at mga Pilipino mula sa kaniyang magkasunod na biyahe sa Germany at the Czech Republic. Ayon sa House leader ang natanggap na suporta ng Pilipinas mula sa dalawang bansa para sa proteksyon… Continue reading Pilipinas, malaki ang pakinabang sa naging pagbisita ni PBBM sa Germany-Czech Republic

Ilang biktima ng sunog sa Brgy. Alabang, pansamantalang namamalagi sa multi-purpose covered court ng Alabang Elementary School

Pansamantalang dito muna sa multi-purpose covered court ng Alabang Elementary School namamalagi ang ilang residenteng naapektuhan ng sunog sa Brgy. Alabang, Muntinlupa City. Sa ngayon, patuloy ang pagdating ng mga nag-evacuate na mga residente dito sa eskwelahan at na nagpapalista sa mga kawani ng Barangay na nandito sa lugar. May mga modular tents na ring… Continue reading Ilang biktima ng sunog sa Brgy. Alabang, pansamantalang namamalagi sa multi-purpose covered court ng Alabang Elementary School