Ikinalungkot ni Senadora Grace Poe ang panibagong kaso ng pang-aabuso sa hayop na napaulat kung saan pinutulan ng tainga ang dalawang asong Shih Tzu sa Legazpi City, Albay.
Ipinahayag ni Poe ang kanyang pagkadismaya nang makarinig ng mga dagdag pang kaso ng torture, pagpapabaya at hindi tamang pagtrato sa mga hayop.
Ito ay matapos aniya nilang isulong sa Senado ang amyenda sa Animal Welfare Act.
Umaasa ang senadora na ang naging mainit na suporta ng publiko sa naturang panukala ay magtutulak sa mga kasamahan niya sa Kongreso na agaran na itong maipasa.
Welcome rin para kay Poe ang naging commitment ni Senate President Juan Miguel Zubiri na gagawing prayoridad ang panukalang ito sa Mataas na Kapulungan. | ulat ni Nimfa Asuncion