Napipinto na ring magdeklara ng Pertussis outbreak ang Iloilo.
Ito ang sinabi ni Health Undersecretary Eric Tayag sa kabila ng nakikitang pagtaas ng kaso ng respiratory disease na ito sa 10 rehiyon.
“Maraming lugar ngayon ang nasa alerto. Inaasahan namin na dadami pa iyong bilang na mairi-report.” -Usec Tayag
Sa Bagong Pilipinas ngayon, sinabi ng opisyal na sa unang sampung linggo ng 2024 nasa 453 kaso na ng sakit ang naitala sa bansa.
Mula sa bilang na ito, 167 dito ang kumpirmado nasa 38 ang nagmula sa National Capital Region (NCR).
Sinundan naman ito ng CALABARZON at Central Visayas.
“Ngayon, sino iyong niri-report kasi nalilito sila – lahat ba ng inuubo ay tuspirina? Hindi po. Sa baby, iyong taas-baba ng dibdib, biglang hihinto iyon, nakakatakot iyon at maaaring mangitim iyong bibig – ito ang tanda ng tuspirina; sa older children at sa atin puwede rin tayong magkasakit ng tuspirina, violent coughing iyon, sunud-sunod, hindi ka makakatulog sa gabi.” -Usec Tayag
Pagbibigay diin ng opisyal, maiiwasan ang sakit na ito sa pamamagitan ng bakuna kaya’t pinalalakas aniya ng DOH ang immunization program nito.
Nariyan rin aniya ang antibiotics para naman sa mga tinamaan na ng sakit.
“Mayroon tayong antibiotics, na maaaring ibigay, kasi bacteria ito, hindi ito virus. Bagamat nag-aalala sila na hindi nabakunahan, makakaawas pa rin, wala muna lips to lips kay baby, kung mayroon kang konting sipon, mag-suot ng mask, hugas ng kamay, tubig at sabon, alcohol spray, malinis na surfaces, hindi natin sigurado kasi baka tumalsik jan ang plema o sipin, kasi droplet nga ito.” —Usec Tayag. | ulat ni Racquel Bayan