Kapwa inaasahan ng Pilipinas at Bahrain ang pagsasapinal ng kasunduan sa pagitan ng dalawang bansa sa larangan ng kooperasyong pandepensa.
Ang Philippines-Bahrain Memorandum of Understanding on Defense Cooperation ay kabilang sa mga napag-usapan ni Department of National Defense (DND) Assistant Secretary Gavin Edjawan at Lieutenant Colonel Fahad Jabor Akaif Hameed Alsowaidi, sa courtesy call ng delegasyon ng Bahrain Royal Guard Special Forces sa DND.
Sa ilalim ng iminungkahing MOU, mas mapapalawig ang kooperasyon ng dalawang bansa sa pamamagitan ng high-level visits at education and training exchanges.
Samantala, inimbitahan din ng Bahrain Special Forces ang Pilipinas na magpadala ng observers nito sa gagawing joint military exercises sa pagitan ng Brunei Darussalam, Malaysia at United Kingdom.
Natalakay din ang seguridad ng malaking komunidad ng mga Overseas Filipino Workers sa Bahrain bilang pagkilala ng gobyerno nito sa malaking kontribusyon ng mga Pilipinong manggagawa sa kanilang nation-building. | ulat ni Leo Sarne
📷: DND