Asahan ang halos dobleng diskwento para sa mga senior citizen at persons with disabilities.
Kasunod ito ng pagpirma ng Department of Agriculture, Departments of Trade and Industry, at Department of Energy sa isang joint administrative order na layong pataasin ang diskwento para sa mga matatanda at may kapansanan.
Sa ilalim ng nasabing joint order, tataas ang diskwento na maaring makuha sa pagbili ng mga pangunahing bilihin gaya ng bigas, isda at baboy.
Maaari na rin makadiskwento sa pagbili ng mga veterinary goods at construction materials. Itinaas na rin sa P2,500 ang halaga ng maaaring mabili na mga pangunahing bilihin.
Ayon ay Agriculture Secretary Francico Laurel Jr., bahagi ang pagpapataas ng diskwento sa adhikain ng administrasyong Marcos na makapagbigay ng abot kayang pagkain at nutrisyon sa mga matatanda at may kapansanan.
Samantala, tinitiyak naman ng joint order na makatatanggap ng kaltas sa income tax payment ang mga negosyong magpapatupad ng special discount. | ulat ni Diane Lear