Plano ng Commission on Elections na sa unang linggo ng Marso ay makapag-award na ng kontrata para sa electronic transmission service.
Ang mapipiling kumpanya ang magta-transmit ng resulta ng eleksyon mula sa mga automated counting machine patungo sa server ng board of canvassers at iba pang stakeholder.
Ayon kay Comelec Spokesperson Atty. John Rex Laudiangco, para sa susunod na halalan.
Ibinukod na nila ang kontrata para sa mga makina at transmission.
Layon aniya nito na masiguro ang check and balance sa pag-transmit ng resulta ng boto.
Matatandaang kahapon ay IONE ang nakuhang lowest bidder para sa transmission service.
Pero sa kabila ng lowest bidder ng IONE ay kinakailangan parin itong dumaan sa post qualification para tuluyang makuha ang kontrata sa Comelec. | ulat ni Lorenz Tanjoco