Nagkasundo ang Pilipinas at Cambodia na palakasin ang kanilang kooperasyong pandepensa.
Ito’y sa pagpupulong ni Department of National Defense (DND) Secretary Gilbert Teodoro at Ambassador of Cambodia to the Philippines H.E. Phan Peuv, sa pagbisita ng huli sa DND headquarters sa Camp Aguinaldo.
Sa naturang pagpupulong, hinimok ng kalihim ang Cambodia na palawakin ang kooperasyon sa Pilipinas sa larangan ng cybersecurity, humanitarian mine action, at disaster risk reduction.
Inanyayahan naman ng Embahador ang kalihim na dumalo sa pag-host ng Cambodia ng Fifth Review Conference (5RC) of the Convention on the Prohibition of the Use, Stockpiling, Production and Transfer of Antipersonnel Mines and Their Destruction, na pinamagatang “Siem Reap-Angkor Summit on a Mine-Free World.”
Bilang kapwa signatory sa Convention of Cluster Munitions (CCM), nagkasundo ang Pilipinas at Cambodia na magtulungan laban sa iligal na paggamit ng mga land-mine at improvised explosive device (IED) na nakakaperwisyo sa mga sibilyan at komunidad. | ulat ni Leo Sarne
📷: DND