Kinumpirma ni Pasay Chief of Police P/ Col. Mario Mayames na patuloy ang pagbaba ng ‘crime incident’ na may kinalaman sa Philippine Offshore Gaming Operations (POGO) sa lungsod ng Pasay.
Paliwanag nito, siya na mismo ang umiikot at naglatag ng programa sa mga POGO operator at nakikipagkaibigan sa lahat ng ligal na POGO sa Pasay upang mas madali nilang ma-monitor ang operasyon nito.
Nang makuha na aniya niya ang tiwala ng POGO operators ay ito na mismo ang nagre-report sa kanila ng mga banta sa kanilang buhay at maging mga kahina-hinalang kilos.
Ito na, ayon kay Mayames ang naging susi sa pagbaba ng ‘crime incident’ na may kinalaman sa POGO dahil sa oras na makatanggap sila ng ulat ay agad silang umaaksyon para maiwasan na ang anumang insidente ng pangingidnap o anumang krimen. | ulat ni Lorenz Tanjoco