Nasa 62% ang tyansa na ma-develop ang La Niña phenomenon sa Pilipinas pagpasok ng buwan ng Hunyo, Hulyo, at Agosto.
Tataas pa ang tyansang ito habang nalalapit ang ikalawang bahagi ng taon.
Sa press briefing sa Malacañang, ipinaliwanag ni PAGASA Climate Monitoring and Prediction Section Chief Analiza Solis na tuwing nagkakaroon ng La Niña sa Pilipinas, mas dumadami ang bilang ng bagyo na nararanasan ng bansa.
“Possible iyong potential tropical cyclone development na mas malapit sa karagatan sa atin. So, that is why there is a possibility na during the last quarter of this year possible po na medyo marami tayong bagyo and usually malapit po iyong development noong mga bagyo.” — Solis.
Gayunpaman, dahil inaasahan na sa huling quarter pa ng taon mararanasan ang epekto ng La Niña, posible na nasa 13 hanggang 16 na bagyo ang pumasok sa Pilipinas.
“Therefore, iyong preparation po natin medyo lumiliit po since iyong mga chance po ng developing ng mga bagyo during La Niña mas malapit sa ating kalupaan.” — Solis.
Pagsisiguro naman ni DOST Secretary Renato Solidum, ang pamahalaan, nakahanda rin sa pagpasok ng La Niña, kasabay ng ginagawa nitong pagtugon sa epekto ng El Niño.
“Iyong epekto ng La Niña, hindi naman makikita kaagad iyan diyan sa June; baka later parts pa ng second half of the year. Pero dahil sa historical data, bago mag-La Niña, ang mga dumarating na hangin ay mainit at tuyo kaya kahit nagkakaroon na ng paghina ang El Niño, na ang epekto ay kaunti din ang ulan at tuyo din ang hangin at mainit, eh nadagdag pa ngayon iyong pre-La Niña preparation months.” -Secretary Solidum. | ulat ni Racquel Bayan