Pangungunahan ng mga babaeng kongresista ang sesyon ng Kamara ngayong araw.
Ito ay tradisyon na ng Kapulungan bilang pakikiisa sa selebrasyon Women’s Month.
Salig sa Section 15 (h), Rule IV ng House Rules, itinalaga ni Speaker Martin Romualdez para mag-preside sa sesyon ngayong Lunes sina Representatives Linabelle Ruth Villarica (4th District, Bulacan), Stella Luz Quimbo (2nd District, Marikina City), Maria Rachel Arenas (3rd District, Pangasinan), Anna Marie Villaraza-Suarez (ALONA Partylist), Laarni Lavin Roque (4th District, Bukidnon);
Josephine Veronique Lacson-Noel (Malabon City), Mary Mitzi Cajayon-Uy (2nd District, Caloocan City), Marlyn Primicias-Agabas (6th District, Pangasinan), Glona Labadlabad (2nd District, Zamboanga del Norte), at Geraldine Roman (1st District, Bataan).
Si Bataan 3rd District Representative Maria Angela Garcia ang magsisilbing House Majority Leader at si Bagong Henerasyon (BH) Partylist Representative Bernadette Herrera naman ang House Minority Leader.
Ani Speaker Romualdez, sinasalamin nito ang pagbibigay halaga ng House leadership sa papel ng mga kababaigan sa paglikha ng batas at pagtataguyod ng bansa.
“The House leadership champions women empowerment, gender equality, and gender balance. Women have constantly become our guidepost in making critical decisions affecting our families, our communities, and our nation. They are our strong moral pillars,” ani Romualdez.
Inaasahan na magpapasa ang women legislators ng mga panukala para sa mga kababaihan at kabataan gayundin ay magpapatibay ng ilang resolusyon. | ulat ni Kathleen Jean Forbes