Pinuri at pinasalamatan ni Nueva Ecija Representative Ria Vergara ang Philipline Coast Guard (PCG), Philippine Navy, at ang mga Pilipinong mangingisda sa kanilang katatagan at katapangan sa gitna ng pagiging agresibo ng China sa West Philippime Sea.
Sa isang privilege speech, ipinunto ni Vergara na kung noon ay may alinlangan ang bansa sa pagtindig laban sa pangha-harass ng China, ngayon ay buhay na buhay ang pagkamakabansa ng bawat Pilipino.
Kaisa rin aniya siya sa pagkondena sa patuloy na aggression ng China sa loob mismo ng ating katubigan at teritoryo.
Pinakahuli nga aniya dito ay ang pag water canon ng China Coast Guard sa resupply ship ng Pilipinas na ikinasira ng barko at ikinasugat ng apat na Philippine Navy personnel.
“These many instances of China’s bullying tactics, in our own waters, is wrong, reprehensible, illegal and should no longer be tolerated. We find China’s disrespectful actions to be offensive and deeply concerning not only to the Philippines but to the whole regional community we belong,” giit ng lady solon.
Kaya naman sa gitna nito ay kinilala ng mambabatas ang PCG sa kanilang patuloy na pagpapatrolya sa ating maritime borders at territorial waters; ang Navy para sa patuloy na pagprotekta sa ating teritoryo at national interest; at ang mga mangingisda na determinadong makapag ambag sa ating food security.
“Please know that you are not alone in this fight. I want you to be confident and secure that the Philippine government will continue to assert our rightful claims through peaceful and diplomatic means and that we are strengthening our defenses to safeguard our sovereignty,” sabi ni Vergara.
Tiwala din si Vergara sa patuloy na pagtatanggol ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa ating teritoryo sa pamamagitan ng balanseng foreign policy at pagpapalakas sa ating ugnayang pangdepensa kasama ang mga kaalyadong bansa.
“Rest assured, also, that our President Ferdinand Marcos Jr., maintains his commitment to continue defending the Philippines’ territory. Our President’s pursuit to a balanced foreign policy, will always be consistent with his efforts to expand and fortify our defense and security cooperation with our international allies though various high-level meetings and dialogues with our foreign counterparts,” saad pa ni Vergara. | ulat ni Kathleen Jean Forbes