Naglabas ng update ang Malacañang kaugnay sa lagay ng kalusugan nina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at First Lady Liza Araneta-Marcos.
Ayon sa Palasyo, nakakaranas pa rin ng flu-like symptoms sina Pangulong Marcos ngunit nakakakita na ng pagbuti sa kanilang lagay.
Nananatili rin aniyang stable ang vitals ng mga ito.
“Their vital signs remain stable, and they remain in a comfortable state. Both have received advice to continue their prescribed medications, ensure adequate fluid intake, and prioritize rest.” —PCO.
Ang medical team nina Pangulong Marcos ay mahigpit pa rin ang ginagawang monitoring para sa agarang recovery ng Unang Ginang at ng Pangulo.
Nagpasalamat naman ang Palasyo sa concern at hiling ng agarang paggaling para kina Pangulong Marcos.
“We appreciate the public’s concern and well wishes. Further updates will be provided as necessary.” —PCO. | ulat ni Racquel Bayan