Naniniwala si House Committee on Muslim Affairs Chairman at Lanao del Norte 1st District Rep. Mohamad Khalid Dimaporo na malaki ang maitutulong ng Resolution of Both Houses No. 7 ay magsisilbing pangmatagalang tugon laban sa pagkukulang ng ating basic education.
Sa pulong balitaan, tinukoy ni Dimaporo ang pagsuko ng ilang miyembro ng Dawlah Islamiyah-Maute na sinasabing sangkot sa malagim na ambush sa lalawigan noong Pebrero kung saan may anim na sundalo ang nasawi.
Sabi niya ang mga miyembro na ito ay pawang mga mendor de edad na hindi nakapagsasalita ng Filipino at tanging Maranao lamang.
Ibig sabihin, sila ay namamalagi sa liblib na lugar at malayo maayos na basic education.
“What was worrisome about that ambush, there were pursuit operations, and If I’m not mistaken the leader of that ISIS group surrendered to the provincial government. Bata pa sila, mga 15 years old. They can’t even speak Tagalog, they can speak only Maranao and that’s proof that these groups, these extremists are staying in the pinakabukid area, away from everyone. Now that is a symptom of a failure within the BARMM area,” sabi ni Dimaporo.
Paliwanag niya, bilang tradisyunal na mga Muslim Filipino na naninirahan sa malalayong lugar ay hindi nila ipinapasok ang kanilang mga anak sa DEPED schools at sa halip ay sa Madrasa schools.
Ngunit ang Madrasa schools aniya ay kulang sa pondo.
Kaya malaking bagay kung mabubuksan aniya ang ating ekonomiya para makapasok ang mga nais na mamuhunan sa Madrasa Schools.
“This is the failure of basic education, and I hope nobody will take offense to this. It’s an old historical culture or mindset that the Philippines is a Catholic country, therefore Catholic education. So, the very traditional mindset of Muslim Filipinos in the far-out areas might feel that they don’t trust bringing their kids to DepEd schools,” ani ni Dimaporo.
“This brings us to the debates for RBH 7 … We’re really limited with funds in the government. If we are going to solve the Madaris issue within the BARMM, ang daming pondo rin ang kailangan ng education, I think they were saying P300 billion last night. This is why we need partners in development,” dagdag paliwanag niya.
Inihalimbawa nito ang mga bansang Saudi Araiba, Brunei at Malaysia na pawang may paniniwalang Islam at sumusunod sa religious requirements na Zakat kung saan tutulong sila na makapagtatag ng tama at maayos na Madaris system para sa mga batang Muslim.
“It’s an investment for ourselves, for our religion, to come into the Philippines and help establish proper Madaris system so that our children in Muslim areas can read and write Arabic and not be thrown into areas where they will end up being recruited by terrorist organizations,” diin ni Dimaporo.| ulat ni Kathleen Forbes