Inaasahang hihingi ng extension ang Landbank of the Philippines (LBP) at Development Bank of the Philippines (DBP) na palawigin ang “regulatory relief” mula sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).
Ayon kay Finance Secretary Ralph Recto, dahil isang taon lamang ang ipinagkaloob na “regulatory relief” sa dalawang governmental institution, posible anyang magrequest ito sa BSP ng extension.
Maalalang hiniling nung nakaraang taon ng dalawang banko ang “relief” bilang sila ang source ng seed money ng kaunaunahang sovereign wealth fund ng bansa— ang Maharlika Investment Fund.
Dahilan ng mga ito, mahihirapan silang makatugon sa “Minimum Capital Adequacy Ratio” requirement ng Bangko Sentral matapos silang maglaan ng pondo para sa MIF.
Wala namang nakikitang isyu dito ang kalihim dahil aniya maayos ang libro ng dalawang bangko bilang pagmamayari ng gobiyerno.
Una nang sinabi ni MIC President and CEO Rafael Consing na ang ni-remit na P25 billion ng DBP at P50 billion ng LBM ay hawak ngayon ng Bureau of Treasury at available sa paggagamitan ng MIC.| ulat ni Melany V. Reyes