Hinihikayat ng Las Piñas LGU ang mga senior citizen na residente ng lungsod sa pangunguna ng pamumuno nina Mayor Mel Aguilar at Vice Mayor April Aguilar na makilahok sa gaganapin nitong voter’s registration para kina lolo at lola.
Ayon sa anunsyo ng Las Piñas LGU, magsasagawa ang tanggapan ng Election Officer ng lungsod ng isang special satellite registration para sa seniors citizens mula ika-11 hanggang ika-15 ng Marso sa 2nd Level West Wing ng SM Southmall.
Ayon sa Las Piñas City, ang hakbangin na ito ng lungsod ay bilang bahagi ng paggunita sa Grandparents’ Week alinsunod sa Proclamation no. 757, s. 1996.| ulat ni EJ Lazaro