Patuloy pa ang pagbaba ng lebel ng tubig sa Angat Dam at iba pang dam sa luzon dahil sa kawalan ng mga pag-ulan.
Batay sa ulat ng Pagasa Meteorology Division, sumadsad na sa 203.25 meters ang water level ng Angat o may kabawasan na 0.23 meters ngayong umaga kumpara kahapon.
Bagama’t mataas pa ang lebel ng tubig sa 180 meters na minimum operating level, mababa na ito sa 212 meters normal high water elevation ng dam.
Nasa 76.05 meters naman ang water elevation ng La Mesa Dam, may pagbaba din kumpara sa 76.10 meters kahapon.
Nakitaan din ng bahagyang pagbaba ng water level ang iba pang dam tulad ng Ambuklao, Binga, San Roque, Pantabangan, Magat at Kaliraya Dam. | ulat ni Rey Ferrer