Suportado ng Korean Chamber of Commerce – Philippines (KCCP) ang panukalang constitutional amendments.
Sinabi ni KCCP President Hyun Chong Un sa ikalimang pagdinig ng Committtee of the Whole sa RBH 7, welcome para sa kanila ang liberalization ng Philippine Education.
Aniya, bubuksan nito ang oportunidad na mas maraming estudyanteng Koreano na mag-aral sa bansa kung may mga foreign schools na mag-operate sa bansa.
Ibinahagi rin ni Hyun na sa ngayon nasa 50,000 ang mga Koreans ang naka-enrol sa mga local schools.
Ayon pa sa KCCP, kaisa sila sa stand ng Joint Foreign Chamber of Commerce na pagsuporta sa panukalang economic constitutional amendments.
Ayon naman kay Ateneo Law Professor Anthony Abad, resource person sa pagdinig,ang pagbubukas ng ekonomiya sa pamamagitan ng economic reform ay magdudulot ng capital accumulation at magreresulta ng poverty reduction sa bansa.
Aniya, importante na makasabay ang Pilipinas sa “fast changing world” partikular sa larangan ng teknolohiya at artificial intelligence.| ulat ni Melany V. Reyes