Benepisyo para sa mga Pilipino ang resulta ng mga pagbiyahe ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Germany at Czech Republic.
Ito ang binigyang diin ni Speaker Martin Romualdez na kasama sa official delegation ng punong ehekutibo.
Taliwas aniya sa sinasabi ng ilan na namamasyal lang si PBBM sa kaniyang foreign trips, sinabi ng House leader na puno ang schedule niya ng mga pulong para makahikayat ng mga mamumuhunan at makapagbukas ng mga trabaho para sa mga Pilipino hindi lang sa Pilipinas ngunit maging sa ibang bansa.
“President Marcos’s unwavering dedication and tireless work ethic have undoubtedly brought about positive impacts, not only in terms of economic opportunities and in strengthening diplomatic ties but also in creating thousands of job opportunities for Filipino workers. The punishing schedule of engagements of President Marcos during these trips underscores his unwavering commitment to serving the Filipino people and promoting our nation’s prosperity on the global stage,” giit ni Romualdez.
Tinukoy nito na sa pulong ni Pangulong Marcos at German Chancellor Olaf Scholz, ay inimbitahan ang mga Pilipino na magtrabaho sa Germany kasunod ng pagluluwag sa restriction ng pagpasok ng mga foreign workers.
Kabilang dito ang mga IT, engineering, health, at teaching professions.
Maliban dito nilagdaan din ang “Cooperation Program” sa pagitan ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) at Federal Institute for Vocational Education and Training (BIBB) para sanayin ang mga manggagawang Pilipino sa sektor ng digitalization at green economy.
Sa kabuuan aabot ng $4 billion o P220 bilyon ang naselyuhang kasunduan ng Pilipinas sa tatlong araw na working visit ni PBBM sa Germany.
Isa naman sa nakatakdang pag-usapan ni PBBM at Czech President Petr Pavel ay ang pagtataas ng quota ng pagpasok ng Filipino workers sa kanilang bansa at ang proteksyon ng OFW na nagta-trabaho na doon.
“Undoubtedly, President Marcos’s unwavering dedication and tireless work ethic have brought about positive impacts, not only in terms of economic opportunities but also in strengthening diplomatic ties and promoting the welfare of our fellow Filipinos abroad.” giit ni Romualdez. | ulat ni Kathleen Jean Forbes