Inanunsyo ni Deputy Majority Leader for Communications Erwin Tulfo na posibleng mapapaaga ang pagpapatupad ng libreng mammogram at ultrasound para sa mga kababaihang miyembro ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth).
Matatandaan na sa pulong ni Speaker Martin Romualdez, Tulfo at PhilHealth kamakailan ay nangako si PhilHealth President Emmanuel Ledesma na handa nilang ipatupad ang request ng House leader sa Hulyo.
Ngunit dahil sa inaprubahan na ito ng PhilHealth Board nitong Miyerkules ay posible nang mapaaga ito mapakinabangan.
Nagpasalamat naman si Deputy Majority Leader Janette Garin kay Speaker Martin Romualdez sa pagbibigay prayoridad sa mga pangangailangan ng mga kababaihan.
Magandang regalo aniya ito sa mga babae lalo na ngayong Women’s Month.
Aniya, para sa mga kababaihan na aabot ng 50 years old, kailangan magpa-mammogram kada dalawang taon.
Sabi pa ni Garin, na marami namang gamot para sa cancer ngunit ang nagiging problema ay hindi agad nakakapagpatingin sa doktor kaya’t pag nadiskubre ay malala na. | ulat ni Kathleen Forbes