Libre na muli ang panonood ng sine nina lolo at lola sa mga sinehan sa lungsod ng Las Piñas ayon sa anunsyo nito.
Ayon sa Las Piñas LGU, ang libreng pasine ng lungsod ay sang-ayon sa ordinansang inilabas nito at pagtalima sa Senior Citizen Act of 1995.
Kailangan lamang na may senior citizen ID at booklet ang mga residenteng nais maka-avail ng libreng sine o kung wala pa ay maaaring magparehistro at kumuha nito mula sa Office of the Senior Citizen Affairs (OSCA) ng Las Piñas.
Isang movie screening kada araw ang pwedeng panoorin ng libre ng mga senior citizen sa mga sinehan sa lungsod na tanging maaari lamang sa mga araw ng Lunes at Martes.
Ang nasabing hakbang na ito ay bahagi ng pagkilala ng lungsod ng Las Piñas sa pangunguna nina Mayor Mel Aguilar at Vice Mayor April Aguilar sa natatanging kontribusyon ng senior citizens sa mayamang kasaysayan at kultura ng Las Piñas. | ulat ni EJ Lazaro