Nakikiisa ang Land Transportation Office (LTO)-Agoo District Office sa Agoo, La Union sa pagdiriwang ng Women’s Month ngayong Marso.
Kinikilala ng tanggapan ang pagpapatibay sa mga kababaihan at ang mahalaga nilang papel sa pag-abot sa patas at maunlad na pamayanan.
Kaugnay nito, nagsagawa ang LTO-Agoo District Office ng Libreng Sakay Para kay Juana sa mga para-publikong jeep, partikular sa mayroong ruta na magmumula sa Agoo patungo sa bayan ng Rosario, La Union.
Namahagi pa ang tanggapan ng mga simpleng token sa mga babaeng kliyente nito.
Tiniyak ng LTO-Agoo District Office na mabibigyan ng tamang suporta at magandang serbisyo ang mga Juana, lalo na sa sektor ng road transportation. | ulat ni Glenda Sarac | RP1 Agoo
📷: LTO-Agoo District