Ipinaabot ng Philippine Coast Guard (PCG) ang suporta nito sa mga kababaihan ngayong buwan ng Marso sa pag-aalok nito ng free bus ride bilang bahagi ng selebrasyon ng Women’s Month.
Ayon sa PCG, kinikilala nito ang naging mahalagang kontribusyon at mga nagawa ng mga kababaihan sa lipunan.
May tatlong araw na mag-aalok ng free bus ride ang PCG, ito ay sa ikaanim, ika-13, at ika-20 ng Marso.
Sakop ng libreng sakay ang mga kababaihang pasahero na babiyahe mula PITX sa Parañaque patungong Cubao sa Quezon City at pabalik. | ulat ni EJ Lazaro