Nakatakdang i-deport ng Bureau of Immigration (BI) ang isang Japanese na lider umano ng isang notoryus na sindikato sa kaniyang bansa.
Kinilala bilang si Koyama Tomohiro, siya umano ang sinasabing lider ng sindikatong JP Dragon na ayon sa mga awtoridad sa Japan ay sangkot sa mga mararahas na krimen sa roon.
Unang naaresto si Tomohiro ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) nitong Enero dahil sa kasong estafa.
May kasong droga rin umano si Tomohiro na nakitaan ng mga bala at baril sa kaniyang pagkakaaresto.
Noong 2020, nauna nang na-blacklist sa bansa si Tomohiro nang kalaunay nahuli ngayong taon.
Nakadetene na si Tomohiro sa Camp Bagong Diwa sa Bicutan, Taguig at naghihintay ng kaniyang deportation.| ulat ni EJ Lazaro