Pormal nang nilagdaan ng Pilipinas at Japan International Cooperation Agency (JICA) ang financing agreement sa dalawang big-ticket infrastructure project sa ilalim ng Build Better More Program ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Ang kasunduan ay pinirmahan ni Finance Secretary Ralph Recto at JICA Chief Rep. Takema Sekamoto para sa third tranch ng Metro Manila Subway Project Phase 1 na nagkakahalaga ng JPY 150-billion o tinatayang P55 billion.
Ang pangalawang Infra project ay ang first tranch of financing ng Dalton Pass East Alignment Project na nagkakahalaga ng JPY 100-billion o ₱37-billion.
Sa speech ni Recto sa ginawang ceremonial signing, sinabi ng kalihim na ang naturang mga infrastructure project ay magsisilbing multiplier effect sa ekonomiya ng bansa kung saan bawat piso na ipupuhunan sa bagong infrastructure ay babalik ng ₱2.30 sa national economy.
Pinasalamatan din ng Finance chief ang JICA sa kanilang hindi nagmamaliw na suporta sa Pilipinas sa pamamagitan ng pagsasakatuparan ng hangarin na imprastruktura na tutugon sa pangangailangan ng mga Pilipino. | ulat ni Melany Valdoz Reyes