Puspusan ang Light Rail Manila Corporation (LRMC) sa pagtatrabaho nito sa kabila ng Semana Santa para bigyang daan ang pagsasagawa ng taunang preventive maintenance sa LRT-1.
Kaya naman hanggang ngayong araw, asahan ng mga pasahero ng LRT-1 na mananatili pa ring walang biyahe sa nasabing linya ng tren katulad sa MRT at LRT-2.
Sa pansamantalang paghinto ng operasyon, ginamit ng LRMC ang pagkakataon upang isagawa ang ilang mahahalagang gawain mula sa pagpapabuti ng mga riles hanggang sa masusing paglilinis at pagsubok sa integration para sa LRT-1 Cavite Extension.
Nakatakda namang magbalik sa normal na operasyon ang LRT-1 bukas, Abril 1, kung saan asahan umano ng mga pasahero ang mas maginhawa at maaasahang karanasan sa kanilang paglalakbay.| ulat ni EJ Lazaro