Maghahandog ng libreng sakay ang pamunuan ng Light Rail Transit Authority (LRTA) para sa mga kababaihang pasahero ng LRT-2.
Ito ay bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng International Women’s Day sa March 8.
Batay sa abiso, maaaring i-avail ang libreng sakay ng alas-7:00 umaga hanggang alas-9:00 ng umaga at alas-5:00 ng hapon hanggang alas-7:00 ng gabi.
Ayon kay LRTA Administrator Atty. Hernando Cabrera, ang libreng sakay ay bilang pagkilala sa mga kababaihan sa LRT-2 sa kanilang tagumpay, galing, at talento sa kanilang larangan at komunidad.
Ito rin aniya ay simpleng paraan ng pasasalamat ng LRTA sa kanilang hindi matatawarang kontribusyon sa ating lipununan. | ulat ni Diane Lear