Apat na araw na magpapatupad ng tigil-operasyon ang Light Rail Transit line-2 sa Semana Santa.
Sa anunsyo Light Rail Transit Authority (LRTA), Huwebes Santo pa lang, Marso 28, titigil na ang biyahe ng LRT-2 hanggang Marso 31 o Linggo ng pagkabuhay.
Bukod dito ay magpapatupad din ng mas maigsing oras ng biyahe ang tren sa Marso 27 o Miyerkules Santo.
Unang biyahe ng tren ay aalis ng alas-5:00 ng umaga sa Recto Station at Antipolo Station,
habang ang huling tren naman ay aalis ng alas-7:00 ng gabi sa kaparehong istasyon.
Sabi pa ng LRTA, ang tigil operasyon ay ipatutupad upang bigyang daan ang taunang maintenance activities ng linya.
Ibabalik ang regular na skedyul at operasyon ng LRT-2 sa Abril 1, araw ng Lunes. | ulat ni Rey Ferrer